Lunes, Marso 24, 2008

Kahit Ako'y Uod Lang (Even If I'm Just a Worm)



Pag gising mo sa umaga
Na pagod ng kahapo'y di alintala
Kasabay pagbuka ng bibig
Dala'y halimuyak ng panis na dagta

Mag-mumug ka, Mag-mumug ka
Sabi ng ina sabay pingot ng tenga
Nalunok mong dagta'y
Sa'yong isipa'y nawala na

Mga muta sa iyong mata'y dikit pa
Nang ika'y pinawalis sa bakurang d hamak ang basura
Uod sa lupa'y hinampas, buha'y pinagkait
Upang galit sa mabungangang ina'y iyong maiwaglit

Baket po? Baket po?
Tanong ng nag-aagaw buhay sa putikang lupa
Walang kasalana'y iyong pinagkaitan
Ng buhay na minsa'y hiniram lang

Pangarap nami'y mabuhay ng mapayapa
Sa mundong amin din, bata...bata...
Galit na iyong dinanas, sa ami'y bali wala
Pagkat paghanap sa buhay sa amin d himala

Sana'y iyong inisip din aming kapakanan
Pagkat kami ma'y halintulad sa iyo sa mata ng Puong Gamhanan
Kahit sa anong paraan, kahit sa anong dahilan...
O kahit sa ako'y isang uod lamang...

by: eackouye / wolfwood16

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Woah ang lalim naman nitong mag-tagalog! whoo. anyway, ang ganda ng mga post, nakakaaliw. lalo na yung "Kahit Ako'y Uuod Lang" haha!

Ven Francis ayon kay ...

heheh salamat! :D ggawa ako ng taglist dito...tag kita tag mo din ako ha?? hehhe n_n...miss u kate!