Lunes, Marso 24, 2008

Imahinasyon sa Iskrap na Larawan (imagination on scrap photo)

Nakaranas na ba kayo ng tulad ng nasa piktyur na to?

Kasi ako madalas ko kasing maranasan ang ganyang pagkakuha ng imahe sa pics eh. Madalas ko kasing na pipindot ang button ng camera. Eh buti nalang nga nabago na nag teknolohiya ang paraan ng pag pipiktyur eh, dahil kung hindi siguro may isang dosenang photo album na ako ng mga ganitong kuha. Tsk tsk tsk.

Pero kung ating pagtutuunan ng pansin, ang mga ganitong pangyayari ay nagiging sanhi pa ng ating pagkamalikhain. Baket? eh walang magawa eh! kundi bigyan ng buhay ang minsang inakala nating "wala na" o di kaya'y "scrap" sa pamamagitan ng pagbigay ng mas malalim na depinisyon sa mga bagay na to. Marahan man tayo sa ating kilos, d pa din natin magagawang maging perpekto sa lahat. Dba?

Oh ano say mo? may scrap ka dyan? hehehe

Walang komento: